![]() |
![]() |
1 buwang walang update.. Posted on 31-03-2008 @ 8:42 pm Category: friendship, gala, happenings, lakwatsa, magulo, school 395 views 359 words in post 10 comments
Pagkatapos ng semi-finals eh naging mabilis ang finals namin kaya naman super kumahog kami sa mga requirements at sa mga lectures. Tapos nun eh isang linggo lang ang bakasyon namin kaya naman sinulit ko na talaga. At ngayon nga ay balik na kami sa iskwelahan. Oh di ba wala kaming bakasyon. Kung hindi pa nagholy week eh malamang tinuloy tuloy din ang pasok namin. Tsk tsk tsk. Super toxic!! Speaking of toxic eh bukas na ang start ng hospital duty ko. First hospital ko ay sa Delo Santos. 5 kaming inilagay dun dahil kami lang daw ang mababait sa batch. Hahaha kung alam lang nila. Pero seriously kaya kami unang nassign dun eh dahil sa kadahilanang kami ang ibabato sa Quiz Show. Remember nyo pa yung sinabi ko sa inyo dati na isasali ako sa Quiz Show? Ayun na nga at nagkatotoo na. Dun kami nilagay sa Delo Santos dahil konti lang daw ang gagawin at hindi masyadong toxic kaya meron kaming time na makapagreview para sa Quiz Show sa September. Ang masasabi ko lang eh wish ko lang kayanin namin!! Ang 2nd-in ko eh sa St. Lukes. By October eh dun naman ako maaassign. Actually pinamili kaming 5 kung san namin gustong mag 2nd-in. Kung sa St. Lukes ba or sa Amang Rodriguez. Kahit na gustong gusto kong magduty sa Amang Rodriguez dahil government yun at maraming experience ang makukuha ay pinili ko pa ring sa St. Lukes na lang mag 2nd-in. Syempre naman St. Lukes yun eh, iba na yung may pangalan. O sya yun lang muna ang update ko. Babawi na lang ulit ako sa ibang araw pag may time. P.S. Yung picture sa taas ay yung nasa bus kami papuntang swimming nung March 4. Later na lang yung details and yung ibang pics. Gimik with Keith.. Posted on 27-02-2008 @ 11:06 am Category: friendship, gala, happenings, lakwatsa 701 views 560 words in post 23 comments
12 ng tanghali ang usapan namin. Pero dahil sa alam ko na ang ugali ni Keith eh nag-expect na ko na hindi tamang oras darating yun. Pambihira nung 12 na eh biglang tumawag sakin at nagsabing malelate daw sya dahil nasa pampanga pa sya. Nalate daw sya dahil sa pamimili ng ipapasalubong sakin. Ayus talaga tong babaeng toh, dinahilan pa ako. Pero okay lang sanay na naman ako kaya para malibang eh nanood muna ko nung Bull Fighting. Lumagpas ang ala-una. Ang alas-dos. Ang alas-tres. Hanggang sa magaalas-kuwatro na eh biglang tumawag ulit. Malapit na daw sya kaya pumunta na daw ako sa meeting place namin. Suma tutal eh 4 na nung nagkita kami. Super apologize na naman sya. Nakakatawa talaga yon. Sabi ko kasi okay lang yun, kasi sanay na ko sa kanya pero apologize pa rin ng apologize. Ang ending para daw makabawi sya eh ililibre nya daw ako ng pagkain at sine. Hahaha. Ayus!! Pero bago kami nanonood eh kumain muna kami sa Pizza Hut. Super kwentuhan. Super tawanan. Ganun naman lagi pag ka kasama ko si Keith. Parehas kasi kaming makulit not to mention madaldal, kaya hindi nauubusan ng pagkukwentuhan. Isa nga sa naging topic namin eh si John Nam (yung classmate namin dati sa CEU). Kalokohan talaga nitong babaeng toh dahil sineset-up na pala ko kay John Nam ng hindi ko nalalaman. Cute si John Nam, mabait, koreano na lumaki dito sa pilipinas, pero hindi sya yung tipo ko. Kaya sinabihan ko na si Keith na tantanan ako tungkol sa topic na yun. Isa pa, ayoko muna ulit magboyfriend, ayoko ng sakit ng ulo.
yan na lang yung natira sa pasalubong ni Keith matapos pag-agawan sa bahay kaya yan na lang napicturan ko So after ng kainan eh binigay na nya sakin yung pasalubong nya 2 supot ng pastillas de leche at 2 supot ng yema balls . Tapos nanonood na kami ng Spiderwick. Maganda naman yung movie. Maganda yung effects. Medyo bitin nga lang ng konti. After ng movie eh nagtingin tingin kami sa mga shops. Bibili sana ako ng blouse kaso napgpasyahan kong wag na lang muna tutal eh may 3 blouse pa kong kabibili lang at hindi pa nagagamit. Nung bago mag-10 eh umuwi na kami dahil hinahabol nya yung MRT. Enjoy kasama talaga si Keith, kahit san, kahit kailan. Kaya naman nagset na ulit kami ng next gimik namin. Sana lang sa susunod eh hindi na sya malate. Wish ko lang. Hehehe. Hosted by New Beginning. Powered by Wordpress. |
Welcome sa Stolen-Kisses.Net. Nasusulat sa blog na ito ang aking mga saloobin, mga alaala at ang iba't-ibang kaganapan at pangyayari sa aking buhay. Welcome magbasa at pumunta dito ang kahit na sino basta marunong rumespeto. Yun lang po. Bow. ^_^
2 weeks ago 3 weeks ago 1 day ago Posting tweet... |
|
1 User Online
hits
32 unique 38 posts 284 comments 19 categories view full stats view archives
|
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||